Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daigneault itinalagang head coach ng OKC Thunder

OKLAHOMA CITY (AP) —  Ipinuwesto si assistant coach Mark Daigneault bilang bagong head coach  ng Oklahoma City Thunder nung Miyerkules, pinalitan niya  si Billy Donovan na ngayon ay head coach na ng Chicago Bulls.

Si Daigneault ay dating tinimon ang Thunder’s G League team sa loob ng limang taon.   Meron siyang .572 winning percentage, nanalo ng tatlong division titles at sumampa sa apat na playoff apperances.

“We are thrilled to have Mark assume the role of head coach of the Oklahoma City Thunder,” pahayag ni Thunder general manager Sam Presti sa isang statement. “He has been a selfless and effective leader within our organization since his arrival.”

Nakikita ni Presti na ang kabataan ni Daigneault ang magiging lakas ng OKC.

“The amount of head coaching experience and diverse experiences through his tenure with the Blue is rare for someone his age,” sabi ni Presti. “He has also shown the ability to empower both the players and staff he works with, and we are confident that he will help us continue to modernize our approach as an organization in a constantly evolving industry.”

Malaking asignatura ang gagampanan ni Daigneault sa Oklahoma City base sa pruweba ni Donovan na limang beses naipasok sa playoffs ang Thunder, naging finalist sa pagiging NBA Coach of the Year sa kanyang nakaraang season  at sa nakalipas na performance ng team na nakipagbagkan laban sa Houston Rockets na umabot sa seven games ng first round playoffs.

Medyo lumabo ang sitwasyon ni Daigneault na magampanan ang inaasahan sa kanya ng OKC dahil sa inaasahang paglipat  ng All-Star point guard Chris Paul na tiyak na magpapa-trade sa upcoming season.

Pero ganun pa man, meron siyang ilang ‘promising young’ na puwede niyang pakinabangan.

 “The opportunity to be the head coach of the Thunder is truly a special honor,” pahayag ni  Daigneault. “Over my six years in Oklahoma City I’ve developed a deep commitment to the organization and a care for what is truly a special community that I call home.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …