Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kurot Sundot ni Alex Cruz

Blumentritt madadaanan na ng sasakyan nang walang sagabal

KUROT SUNDOT
ni Alex Cruz

NAPADAAN ka na ba sa Blumentritt? 

Nakakapanibago.   Matagal din akong nagarahe sa bahay dahil sa pandemic at kahapon, napadaan tayo sa Blumentritt at laking pagtataka natin kung bakit wala na  ang mga naglipanang vendors na dati’y  halos nasa gitna na ng  kalye para mabarahan ang daloy ng trapiko.

Disiplinado na ngayon ang mga vendors na nasa mga gilid na lang ng bangketa na hindi rin nakakaistorbo sa mga pedestrian.

Medyo napa-WOW tayo sa nagkita nating pagbabago sa Blumentritt.  Napabilib tayo dahil sa tagal-tagal ko nang naninirahan sa Sta. Cruz, ngayon ko lang nakita ang linaw ng daanan ng nasabing kalye.

Puwede palang mangyari iyon?   Dahil sa nasa vicinity lang ng Blumentritt ang aking inuuwian, nagmasid-masid tayo sa paligid.   Baka kako katulad noon na kapag nabugaw ang mga vendors ay magbabalikan uli sa kani-kanilang puwesto kapag wala na ang mga pulis.

Meron mangilan-ngilan ang nagtangkang pumuwesto sa gilid ng bangketa pero agad na sinita sa loud speakers na nakakabit sa bawat poste ng Blumentritt.   Tinutukoy ng nagsasalita ang vendor na pumuwesto sa hindi pinahihintulutang lugar.  Pinaaalis agad iyon sa nasabing puwesto.

Paanong nakita iyon ng nagsasalita sa loud speaker?

Dahil sa kuryusidad, sinadya ko na ang Blumentritt PCP at nakausap natin si Major Rocky Quiballo Desear  na siyang commander ng PCP Blumentritt.  Nalaman natin na merong CCTV ang nakakalat sa kabuuan ng Blumentritt na kaya nilang makita sa monitor ang lahat ng nangyayari sa vicinity.

Maging yung mga namimili na walang face mask ay kaya rin nilang ma-monitor sa CCTV.   Binibigyan din nila ng paalala ang mga nakakalimot na magsuot ng face mask.

Ang pagkakaroon ng CCTV sa Blumentritt ay ideya ni Brigadier General Roland Fernandez Miranda, Director ng Manila Police District. 

Nakita natin na kaya nagiging epektibo ang CCTV sa Blumentritt ay dahil na rin sa epektibong pagpapatupad ng kaayusan ng kapulisan ng PCP Blumentritt sa pamumuno ni Major Desear na kapupuwesto lang doon  nung July mula sa Tarlac.  Kudos  kay desk officer  Sarhento Fajardo na umasiste sa atin habang nasa PCP.

“Maraming matitigas ang  ulo sa Blumentritt, dapat lang na maging matigas din ang nagpapatupad ng  kaayusan.   Maraming magagalit pero doon lang tayo sa  tama  at sa kapakanan ng nakararami,”  pahayag ni Major Desear.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …