Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abelgas kampeon sa Pretty Zada online chess  

UMANGAT si  Fide Master at International Master elect Roel Abelgas sa katatapos na Pretty Zada Skin Care Products online chess tournament nung  Miyerkoles.

Si Abelgas an tangan ang forcemoverobot sa Lichess ay tumapos ng 76 points mula sa 31 games na may win rate  77 percent at performance rating  2362 para magwagi sa event na nilahukan ng mga manlalaro worldwide.

Ang nasabing event na presented sa Lichess Battle Arena ay magiging  punong abala si Mc Daniel Ebao na inorganisa ng Bayanihan Chess Club.

Ang online tournament na may time control  one minute na may increment one second kung saan ang mga manlalaro ay paramihan ng panalo sa two hours of play.

Si Abelgas, isa sa top players ng Dasmarinas Chess Team under the guidance ni rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., ay may naipanalo na 24 games, at natalo sa  seven games para sa kanyang aggregate score.

Umeksena din si Noel Jay “Super B” Estacio ng San Dionisio, Iloilo na nakamit ang second spot na may 62 points sa 29 games na may win rate  69 percent sa 20 wins para sa performance rating  2258.

Nasa third place si Francis Talaboc ng Taguig City na may 61 points sa 30 games na may win rate 63 percent sa 19 wins para sa performance rating  2205.

Bida din sina National Master Cesar Mariano ng Iloilo City at National Master Carlos Edgardo Garma ng Manila na tumapos ng fourth at 5th na may tig 57 at 56 points, ayon sa pagkakasunod.

Pasok sa top 10 (ten) ay sina sixth, Neph Bantang (45 pts.), seventh, Rafael Velasco Jr. (42 pts.), eight, Mark Mariano (38 pts.), ninth, Marc Simborio (38 pts.), at tenth, Roncar Raffy Tivar (38 pts.).

-Marlon Bernardino-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …