Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Papa P, tampok sa International lifestyle magazine na Vulcan 

PANG-PANDEMIC si Piolo Pascual. And by “pandemic” we mean “global” and “international.”

Tampok si Papa P sa international lifestyle magazine na Vulkan (at may “k” talaga ang pangalan ng babasahin, hindi “c”), kasama ang ilang international celebrities.

Mas picture magazine ang Vulkan kaysa textual kaya, siyempre pa, naka-play up talaga sa isang picture ang kaseksihan ng Pinoy actor na binansagang “Papa P.” May paniniwalang kaya siya nabansagan ng ganoon ay dahil sa kaseksihan ng katawan n’ya, particularly ang upper torso n’ya.

May picture siya sa Vulkan na wala siyang pang-itaas. Kita lahat ng abs  at matipunong dibdib, at machong balikat. Very “papable,” ‘di ba?

Pero may picture rin naman na ang mukha n’ya ang hina-highlight habang nasa pensive mood.

May mahabang interview rin kay Papa P sa magazine na ayon sa mga ulat ay sa Amerika ipina-publish. May print at online edition ang magazine.

Ang tinalakay sa interbyu ay ang highlights ng career n’ya. Isa sa itinuturing n’yang turning point ng acting career n’ya ay noong gumanap siyang aktibistang anak nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa critically-acclaimed, Dekada.

Actually, maitituring din na turning point sa showbiz career n’ya ang kasalukuyang pandemia. Parang biglang mas sumigla ang carer n’ya sa panahong ito.

Kari-release lang ng bagong single n’yang Iiyak Sa Ulan, which means mari-revive ang recording career n’ya. Mahigit 10 taon na siyang ‘di gumawa ng album. Kahit na dramatikong kanta ang Iiyak Sa Ulan, sexy ang music video nito, kaya matindi ring pinag-uusapan.

May ginagawa rin siyang pelikulang Ingles na for international release, ang Real Fiction, na may pagka-psycho ang role n’ya na katambal si Jasmine Curtis-Smith at idinirehe ni Paul Soriano. 

Sa teaser ng pelikula, nasa rooftop siya ng isang building at may hawak na baril. May eksena namang naka-brief lang siya.

Main host sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ng Sunday Noontime Live, ang bagong musical variety ng TV5. 

Paborito siyang interbyuhin ngayon ng kapwa celebrities n’ya na vloggers.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …