Wednesday , December 25 2024

First at 2nd tranche ng SAP sa maraming barangay hindi pa naibibigay (Sa Maynila)

HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin daw nai-bibigay ang first at second trance ng Social Amelioration Program (SAP) sa marami pang barangay sa Maynila partikular sa 1st at 2nd district na binubuo ng buong Tondo.

 

Umaasa pa rin ang mga residente sa nasabing mga lugar na makatatanggap pa rin sila ng SAP bago man lang matapos ang taon 2000.

 

Mahigit anim na buwan na raw mula noong Hunyo nang na-interview sila ng mga staff at social worker mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa awa anila ng Diyos ay inaprobahan ng nasabing ahensiya ang kanilang aplikasyon para makakuha ng SAP.

 

Ilan daw sa kanila ang kalipikadong makakuha ng SAP. Hiningi na anila ng mga social worker ang kanilang cellphone numbers na puwede silang tawagan o i-text para malaman kung saang money transfer nila kukunin ang pera, GCash pa nga raw ito. He he he…

 

Klinaro pa raw sa kanila ng mga taga-DSWD na aabangan na lang nila ang txt message mula sa kanilang ahensiya, matagal na raw ang isang linggo at siguradong makukuha nila ito dahil may allotment na o pondo para rito.

 

Lumipas ang isa, dalawa, tatlong linggo ay wala pa rin silang natatanggap na text message mula sa DSWD maski man lang hi o hello.

 

Hanggang natapos na ang buwan ng Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre at Oktubre ay wala pa rin ang inaasam-asam nilang text o abiso mula sa DSWD.

 

Mukhang pinaasa lang daw sila at ang lahat ng ipinangako sa kanila ay nabaon na sa limot. Saan na nga ba napunta ang kanilang SAP, anyare?

 

Kung sino pa raw ang nasa klasipikasyon na poorest of the poor at mga yagit na naninirahan sa Tondo at mas higit na nangangailangan ay siya pang natabla at naloko na kesyo meron na raw allotment at pondo para dito, asan na?

 

Sa pakiwari raw nila ay wala rin ipinagkaiba ang mga kawani ng DSWD sa mga corrupt at magnanakaw na ahensiya ng gobyerno tulad ng PhilWEALTH este PhilHealth, DPWH, BoC, Bureau of Immigration, BIR at Land Registration Authority.

 

Mantakin ninyo nga naman na halos magpipitong buwan na silang naghihintay nang wala naman palang hinihintay? Sana nga naman ay hindi na sila pinaasa at pinangakuhan dahil masakit din ito sa kanilang sitwasyon, ‘di po ba?

 

Sa datos ng DSWD, lumalabas na nasa 98 porsiyento na ng first at second trance ng SAP sa buong bansa ang naipamigay na nila. He he he…

 

Hindi yata ito kapani-paniwala dahil marami pang mga barangay sa Maynila partikular ang mga residenteng naninirahan sa Tondo ay wala pang natatanggap kahit na singkong duling. Tsk tsk tsk mahabaging Diyos, maawa naman kayo.

 

Meron naman daw mangilan-ilan na nakatanggap ng kanilang SAP ngunit ito’y nabibilang sa daliri ng ating mga kamay, may kahati pa raw na hindi natin malaman kung sino.

 

‘Di ba’t ipinahayag ni Pangulong Digong Duterte na huwag nang pagtagalin at bigay na agad sa lalong madaling panahon ang pera at anomang bagay na para sa tao, hindi yata nasusunod ang kanyang direktiba.

 

Nobyembre na ngayon at Disyembre na ang susunod, baka naman bago matapos ang taon 2000 ay bigay na ng DSWD ang inaasam ninyong SAP.

 

Baka surprise at itina-timing lang sa kapaskuhan at bagong taon ang inyong SAP para nga naman happy kayo at inyong pamilya. Harinawa’y magkatotoo at maganap na lang sana lahat ang inaasahan at all cost.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *