MALAKI ang pasasalamat ni Sanya Lopez sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network.
Sa dalawang paparating niyang projects, parehong beteranong aktor ang makakasama niya.
Kamakailan ay ini-announce ang kanyang kauna-unahang title role sa First Yaya na makakapareha niya ang mahusay na aktor na si Gabby Concepcion. Bukod diyan, gaganap din siyang leading lady ni Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila.
Aniya, “I’m very happy na binigyan ako ng GMA ng opportunity na talagang mai-partner sa kanila. Gagawin ko talaga na galingan dahil alam naman nating mahuhusay sila.”
Hindi issue kay Sanya na wala siyang regular love team, ang mahalaga ay maipakita niya sa viewers na epektibo ang kanilang on-screen chemistry at mahusay niyang magampanan ang kanyang mga karakter.
Joe Barrameda