SUSPENDIDO pa rin ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) dahil sa problema sa water hyacinth kahapon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Pahayag ng ahensya, unang itinigil ang pangkalahatang operasyon ng PRFS nitong 20 Oktubre dahil as Tropical Cyclone Wind Signal No.1 ang Metro Manila bunsod ng bagyong Pepito na lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon.
Sa datos ng MMDA nitong 1-14 Oktubre, umabot sa kabuuang 1,350 cubic meter ang water hyacinths ang nakolekta ng MMDA sa ikinasang clearing operations sa Ilog Pasig.
Nangako ang MMDA na agad maglalabas ng panibagong abiso sa publiko para sa pagbabalik normal ng operasyon ng PRFS. (JAJA GARCIA)