Saturday , November 16 2024
arrest prison

Nanay pinagbantaan kelot arestado

KALABOSO ang isang binata matapos pag-bantaang papatayin ang kanyang sariling ina nang hindi siya mabigyan ng pera sa Muntinlupa City, nitong Miyerkoles.

Nasa custodial facility ng Muntinlupa City Police at nahaharap sa kasong grave threat ang suspek na si Marvil Villa, 31 anyos, walang trabaho, ng 168 Lovely Street, Barangay Cupang sa nasabing lungsod.

Samantala ang biktima ay kinilalang si Tessie Villa, 55, residente sa nasabing lugar.

Sa ulat nina EMSgt. Edward E Rodriguez; SSgt. Ian Tabelin, at P/Cpl. Mike Erick Orongan, ng Criminal Investigation Unit, ang insidente ay naganap sa 168 Lovely St., Compound, Bgy. Cupang sa Muntinlupa City, dakong 11:00 am.

Sa pagsisiyasat, humihingi umano ang mga suspek ng pera sa kanyang ina subalit wala itong maiabot na ikinagalit ni Marvil at dumampot ng kutsilyo at pinagbantaang papatayin ang ina.

Nagawang makatakbo ng biktima at humingi ng tulong sa Barangay Cupang na nagresulta sa pagkakaaresto ng kanyang anak at pagkakarekober ng kutsilyo.

Nakatakdang suma­ilalim sa inquest proceedings sa Muntinlupa Prosecutor’s Office ang suspek. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *