Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

WKA-PH sumalang sa 3rd virtual meeting

MATAGUMPAY na ginanap ang WKA-PH (World Kickboxing Association – Philippines) 3rd virtual meeting noong nakaraang Linggo, Oktubre 18, 2020, sa pamamagitan ng Google Meet kasama ang pangunahing agenda ng Mat Sports Official Rulebook.

Ang nasabing online meeting ay  karugtong na pulong pagkatapos ng unang aktuwal na meeting  na ginanap noong nakaraang Oktubre 11, 2020, sa WKA National Head headquarters sa Las Piñas City na dinaluhan ng Mat Sports Officials at Executive Committee.

Ang ika-3 virtual na pagpupulong ay nilahukan ng iba’t ibang mga direktor ng rehiyon, pambansang mga opisyal ng Teknikal, at komite ng tagapagpa­ganap ng Pilipinas. Ang pagpupulong ay nag­simula bandang alas 3:00 ng hapon at ito ay pinangunahan ni WKA-PH Pres. Ramil Serit, sinundan ng recap sa dating aktwal na pagpupulong na ipinahayag ni National Sec. General Engr. Ernie Fetisan Faeldonia.

Ang mga paksa ay nahahati sa dalawa, WKA Rulebook Seksyon 2 tungkol sa Point Fighting na tinalakay nina Master Noli Española at Febbles Feyb Mendoza, at ang Seksyon 3 Light Contact (Kickboxing Light) Low Kick Light & K1 Light na ipinaliwanag ni Reg 4A Mat Sports Chairman & RMC for Rizal province, Arez Fuentes.

Sumunod ang iba pang mga talakayin, kabilang ang mga kulang na opisyal sa ibat-ibang mga posisyon, kung saan si Junjunbal Tabuyoc ng Yawyan Fervilleon Olongapo ay itinalaga bilang bagong Regional Director para sa Rehiyon 3.

Nagtapos ang pulong sa ganap na alas 5:30 ng hapon. (M. B.)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …