Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Team work at abilidad, sikreto sa tagumpay ng Bubble Gang

SA GMA Entertainment Viber Community, ikinuwento ng Bubble Gang boys na sina Paolo Contis, Mikoy Morales, Archie Alemania, Sef Cadayona, at Betong Sumaya kung ano ang sikreto sa likod ng tagumpay ng comedy show.

 

Para sa kanila, malaking bagay ang teamwork at abilidad nilang mag-adapt sa panahon.

 

“I think kaya kami swak sa isa’t isa ay dahil magkakaibigan kami at may respeto kami sa isa’t isa. Kahit feeling n’yo wala, mayroon!” pabirong hirit ni Paolo. “We take our comedy seriously. We try na mag-adapt sa mundo kaya 25 years and counting ang ‘Bubble Gang.’ Hindi siya madali. Lahat ng ginagawa namin ngayon ay may kinalaman na sa new normal, adapt lang ng adapt.” 

 

Dagdag ni Mikoy, “Totoo ‘yun, actually. May lambing din talaga ‘yung asaran sa ‘min. ‘Pag hindi ka inaasar, ‘di ka mahal. Pero honestly, ‘yung pagiging seryoso ng show sa comedy [ang sikreto].”

Samantala, ipinahayag naman nina Betong, Sef, at Archie na dream come true at achievement ang mapabilang sa cast ng Bubble Gang hanggang ngayon.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …