Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia Pablo, apektado sa guidelines ng DOLE  

SA latest vlog ni Aiko Melendez, ibinahagi ni Direk Gina Alajar kung ano ang mangyayari sa character ni Sofia Pablo sa Prima Donnas.

 

Noong nakaraang buwan, naglabas ng statement ang GMA Entertainment na hindi makakasama si Sofia sa lock-in taping ng serye alinsunod sa guidelines ng Department of Labor and Employment na hindi pa maaaring magtrabaho ang mga minor na 15 years old pababa.

 

Panimula ni Direk Gina, “I want to take this opportunity to clarify things kasi maraming [nagtatanong] about Sofia, kung bakit hindi na natin kasama. Well, the decision para mawala si Sofia sa show is not ours kasi kung kami ang masusunod, ayaw namin because Sofia is part of the show and we all love her.

 

“But then, mayroong mga kailangan kaming sundin na rules from DOLE.”  

 

Dagdag ni Direk, “Nagkaroon po kami ng malaking malaking discussion talaga at malaking problema kung paano namin maso-solve [ito] but at the end of the day po, kailangan namin sumunod kaya po nawala si Len-Len (Sofia’s character). Pero hindi siya nawala totally. Nawala lang siya physically but she’s being talked about. ‘Yung pangalan niya ay laging nababanggit sa show, hindi po namin siya pinatay.”

 

Samantala, patuloy na napapanood ang recap ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …