Thursday , December 19 2024

Piolo at Maja, ‘di exclusive sa Brightlight Productions

‘YUNG mga ibinabalita sa mga website na mga artistang lumipat sa TV5 ay hindi sa TV5 nakakontrata, kundi sa Brightlight Productions.

 

Nilinaw na rin ni Mr. Albee Benitez, big boss ng Brightlight, noong grand media conference ng blocktime shows ng kompanya sa TV5, na hindi exclusive ang kontrata ng mga artista sa kompanya n’ya para nga malaya silang makatanggap ng trabaho sa alinmang network at sa anumang programa.

 

Tahasan ding ipinahayag ng big boss ng Brightlight Productions na ayaw n’ya ng network war.

 

Ang daming mga artista na identified sa ABS-CBN na nasa isa o dalawa sa mga blocktime show ng Brightlight pero never naman sila naging under Star Magic o ng predecessor nito.

 

Ang isang halimbawa ay si Billy Crawford na ilang taon na rin sa Viva Artists Agency nakakontrata. Bago ‘yon ay sa kompanya ni Arnold Vegafria siya nakakontrata. Mukha lang siyang ABS-CBN star/talent dahil bago n’ya tinanggap ang Lunch Out Loud ng Brightlight, sa ABS-CBN lahat ng shows n’ya. Ang Masked Singers, isa pang show na hino-host n’ya sa TV5, ay hindi rin ang Kapatid Network mismo ang producer kundi ang Viva Entertainment na mother company ng Viva Artists Agency.

 

Talents pa rin ng ABS-CBN sina Piolo Pascual at Maja Salvador kahit na nasa Sunday Noontime Live dahil nga hindi naman sila exclusive sa Brightlight na siyang producer ng SNL na katapat ng ASAP ng ABS-CBN 2 na rating major stars ‘yung dalawa.

 

Kaya wala tayong naririnig na kakasuhan ng ABS-CBN sina Piolo at Maja at kung sino pa man na may show sa Brightlight ay dahil ‘di naman nila kailangang habulin sina Piolo at Maja at iba pa (halimbawa’y sina Dimples Romana at Beauty Gonzales) dahil legally ay talent pa rin nila ang mga ‘yon. Legally, may commission pa nga ang Star Magic sa talent fees nina Piolo, Maja, at iba pa. Sa Brightlight nanggagaling ang lahat ng talent fees ng mga tao sa mga show nila sa TV5. Pati ang production budget ay sagot din ng Brightlight.

 

Pero malaking katalinuhan at  karangalan para sa TV na sila ang napili ng mukhang napakayamang Brightlight Productions para pagpuwestuhan ng mga show nila. Biglang fully revitalized ang Kapatid Network dahil sa Brightlight.

 

Samantala, anggulo lang sa mga write-up na iniwan ng mga artista ang ABS-CBN para sa TV5. Sa Brightlight po sila nakakontrata at hindi exclusive ang kontrata.

 

Pa-sentimental lang ng mga artistang may show sa TV5 ang pagpapaliwanag nila tungkol sa kung bakit lumipat sila ng network. At saka parang sagot na rin nila ‘yon sa social media bashers na karamihan ay ‘di naman pinag-iisipan ang ipino-post nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *