Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya, nag-iisang napili para sa First Yaya

KOMPIRMADONG si Sanya Lopez na ang gaganap bilang si Yaya Melody sa upcoming Kapuso series na First Yaya.

 

Sa naganap na online interview ng aktres recently, ibinahagi ng GMA senior program manager na si Ali Dedicatoria na nang kinailangan humanap ng bagong aktres para sa title role na First Yaya, nagkasundo ang buong production team na ibigay kay Sanya.

 

Aniya, “Unanimous actually ‘yung pick namin na si Sanya ‘yung bagay for the role. Nakita naman namin siya roon sa ‘Haplos,’ sa ‘Cain at Abel,’ at siyempre sa ‘Encantadia.’

 

“ So we think na babagay siya roon sa role… Unanimous ang decision ng GMA na Sanya is fit for the role. Wala kaming second choice for her.”

 

Sumang-ayon naman ang director ng serye na si LA Madridejos.

 

Pagbabahagi niya, “Nakita namin ‘yung progression kung paanong nagre-respond si Sanya sa challenges na ibinibigay sa kanya at ina-acknowledge po ng mga audience na naging fans niya. Nakita namin ‘yun, and naisip namin na bagay na bagay sa character niya, sa personality niya si Yaya Melody.”

 

Tuwang-tuwa naman si Sanya nang malaman ang naging desisyon ng production team. “First time ko pong narinig ‘yung wala silang second choice. Kumbaga parang nakakikilig kasi parang pakiramdam mo na sobra ‘yung tiwala nilang ibinigay sa’yo… Kaya I’m very happy. Thank you, direk. Thank you po, Ms. Ali at sa buong production po. Thank you so much!”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …