Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fans, pwedeng makipag-interact sa virtual reality concert ni Alden

EXCITED na inabangan ng fans ni Alden Richards ang pagbubukas ng ticket sales para sa anniversary concert nito sa December 8, ang Alden’s Reality. At talaga namang special pala ang handog na ito ng Asia’s Multimedia Star sa kanyang fans dahil ito ang kauna-unahang virtual reality concert sa bansa.

 

Iba pa ito sa usual virtual o online concerts na ginagawa ngayon dahil sa element nitong virtual reality. Gamit ang teknolohiya ay magkakaroon ng chance ang mga manonood na makipag-interact kay Alden. At dahil online, kahit mga Kapuso abroad ay makaka-join sa panonood.

 

Available na ang ticket sa www.gmanetwork.com/synergy, at P999 ang presyo para sa general admission. Ang mga nasa Pilipinas, may special treat dahil pwede silang maka-avail ng special VIP package sa halagang Php 1,200. Kasama ng isang general admission ticket ang isang exclusive VR device na pwedeng magamit sa panonood ng concert ni Alden.

 

Si Paolo Valenciano ang director ng Alden’s Reality at ito ay produced ng Synergy: A GMA Collaboration. Para sa ibang detalye, bisitahin lang ang www.gmanetwork.com/synergy at i-follow ang https://www.facebook.com/GMASynergy.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …