HUMIHIRIT ng adisyunal na P510 million budget si Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino para sa elite sports sa 2021 na ngayon ay meron nang malinaw na natatanaw na pagkakataon para masungkit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal hindi lang isa, posibleng higit pa sa iniurong na petsa ng Tokyo Games.
“Tokyo could be that host city where the country could win not one, not two, but probably more Olympic gold medals in 2021. And along this line, the athletes need all the support in their bid to accomplish what has never been achieved before,” pahayag ni Tolentino pagkaraan ng interpellation sa Philippine Sports Commission’s (PSC) proposed budget para sa 2021.
Ang panukala ng PSC para sa traditional Department of Budget Management-endorsed P207 million 2021 budget para sa agency’s operations at salaries and wages ng personnel.
Higit pa doon, may additional na P510 million ang ipinanukalang additional funding para sa traning ng atletang Pinoy at preparasyon para sa Tokyo Olympics at maging sa games qualifiers.
“The PSC needs the full support of Congress—the House and Senate—because 2021 is the year when the Olympic gold medal beckons,” pahayag ni Tolentino. “I am confident that elusive gold medal will be achieved in Tokyo.”
Ang PSC, ayon kay chairman William Ramirez, ang P510 million additional budget, P150 million ay para sa Tokyo Olympics campaign, samantalang ang P100 million ay para naman sa preparasyon at partisipasyon sa Southeast Asian Games na ididipensa ng bansa ang overall championship na gagawin sa Vietnam bilang host ng biennial games mula sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
“The SEA Games are on top of the priorities as we defend the overall title which we achieved when we hosted the event,” sabi ni Tolentino.
Ang nalalabing P250 million ay ibabahagi para sa Asian Beach Games, Asian Indoor Martial Arts Games, Asian Youth Games, Asian Youth Para Games, SEA Para Games, Tokyo Paralympics at Asean Youth Games.
Mataas ang ekspektasyon ni Tolentino kay world champion gymnast Carlos Yulo at kay boxer Eumir Felix Marcial na malaki ang tsansa na makasungkit ng ginto, kasama sina vaulter Earnest John “EJ” Obiena at woman boxer Irish Magno.
Nakaantabay lang sina women’s world boxing champion Nesthy Petecio at Rio 2016 weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, na naunsiyame ang paglahok nito sa Tokyo qualifiers nang madiskarel ang event dahil sa Covid-19 pandemic. Itutuloy ang nasabing laban sa kaagahan ng 2021.
Si Mariano “Nong” Araneta, ang Philippine chef de mission sa Tokyo ay napakataas ang paniniwala na at least 18 atletang Pinoy ang makakapasok sa Games na itinakda sa July 23 hanggang Agosto 8 sa susunod na taon.