IKINAGALAK ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pagkakadagdag ng apat na sports sa Vietnam 31st Southeast Asian Games program na ang tatlo dun ay magiging kapakipakinabang sa tangka ng bansa na mapanatili bilang biennial event’s overall champion.
Inanunsiyo ng Vietnam ang pagkakasama sa event ng jiijitsu, esports, triathlon at bowling, para tumaas sa 40 sports ang nakatakda sa November 21 to December 2 na pangungunahang i-host ng Hanoi at Ho Chi Minh para sa ikalawang pagkakataon pagkaraan ng 2003.
“This is good news for us because we dominated three of these four sports when we hosted the games in December 2019,” sabi ni Tolentino.
Dinomina ng Filipino athletes ang jiujitsu na may limang gold medals at esports na may tatlo at winalis ang lahat ng events sa triathlon sa 30th SEA Games.
Sinabi pa ni Tolentino na mananatiling hihiritin niya ang larong baseball/softball, soft tennis, duathlon, windsurfing at wakeboarding/water skiing, ang mga sports na dinimona natin nung 2019.
Ayon sa Vietnam, ang SEA Games Federation Executive Committee ay inaprubahan ang apat na nadagdag sa naging online meeting at magkakaroon ng pormal na announcement sa Nobyembre.
Ang triathlon ay isang developing sport na maraming international race ay lumalarga sa rehiyon.
Plano ng host na idaos ang sport sa northern Quang Ninh Province.
Dota 2, Arena of Valor at Pro Evolution Soccer ay ang tatlo sa anim na esports events na ilalaro sa Games.
Ang pagkakadagdag ng apat na sports ay meron ngayong paglalabanang 40 games, 16 na mas mababa sa nakaraang SEA Games, na isinisi ng Vietnam sa ‘economic downturn’ dahil sa sa Covid pandemic.
Ilalarga naman ang Para Games mula Disyembre 14 to 21.
Tumapos ang Vietnam sa ikalawang puwesto sa nakaraang SEA Games na may 288 medals, kasama ang 98 golds.
Ang ilalargang sports sa November 21 to December 2 Vietnam 31st SEA Games ay ang mga sumusunod: aquatics (diving and swimming), archery, athletics, badminton, basketball (5×5 and 3×3), billiards, bodybuilding, bowling, boxing, canoeing, chess, cycling (road and mtb), dancesports, esports, fencing, and football (football, beach soccer and futsal).
Nasa programa rin ang golf, gymnastics (artistic, rhythmic, and aerobic), handball, judo, jiujitsu, karate, kickboxing, kurash, muay thai, pencak silat, petanque, rowing, sepaktakraw, shooting, table tennis, taekwondo, tennis, triathlon, volleyball (beach and indoor), vivinam, weightlifting, wrestling, and wushu.
-DANNY SIMON-