Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Winwyn, proud sa High Rise Lovers

MASAYA at fulfilling kung ilarawan ng cast ng I Can See You: High-Rise Lovers na sina Lovi Poe, Winwyn Marquez, at Tom Rodriguez ang kanilang naganap na lock-in taping.

 

Bagamat nanibago sa pagbabalik-trabaho at sa new normal taping, masaya ang cast ng serye dahil nakatapos sila ng isang magandang proyekto.

 

“The sense of fulfillment after ng buong taping, talagang you just can’t beat that feeling everytime nakatapos ka ng proyekto,” ani Lovi.

 

Dagdag pa ni Winwyn, “Ang sarap sa pakiramdam na I’m in front of the camera again and working with these actors and alam kong may ipalalabas kami na sobrang worth it panoorin.”

 

Sang-ayon din si Tom sa sinabi ng kanilang direktor na si Direk Monti Parungao na kakaiba ang atake at twist sa kanilang show at wala ring kontrabida na maituturing.

 

“Everyone is a victim of circumstance na you could almost kind of see and feel or emphatize kung paano sila nadadala sa mga sitwasyon na ‘yon.”

 

Kasama rin nila sa cast ang actor-comedian na si Divine Tetay at aktres na si Teresa Loyzaga. Mapapanood ang I Can See You: High-Rise Lovers mula October 12 hanggang October 16, sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …