Sunday , December 22 2024

Velasco iniluklok ng 186 boto (Para sa Speakership)

ni GERRY BALDO

UMANI ng 186 boto si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para iluklok bilang Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sesyon na ginanap sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ang bomoto kay Velasco ay sobra sa kalahati ng 299 bilang ng kabuuang miyembro ng Kamara.

Kasama sa mga pinagbotohan sina Jocella Bighani Sipin bilang bagong secretary general kapalit ni Jose Luis Montales, at si retired Major General Mao Aplaska bilang House sergeant-at-arms kapalit ni Ramon Apolinario.

Kinuwestiyon ni Rep. Alan Peter Cayetano ang botohan.

Aniya, ilegal ito dahil hindi sa session hall ng kamara ginawa.

Ani Pampanga Rep. Rimpy Bondoc, hindi na bago ang paggawa ng sesyon sa labas ng kamara gaya ng ginawa sa Batangas noong pumutok ang bulkang Taal.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, puwedeng magsesyon ang kamara sang-ayon sa Saligang Batas at sa House Rules kung may quorum at sobra sa kalahati ng kabuuang miyembro ang dadalo rito.

“A majority of members of the House of Congress in attendance can hold session outside the regularly designated session shall,” ani Rodriguez.

“Whenever is a majority of each House such majority constitute a quorum with full constitutional authority to do legislative business with or without the mace at the rostrum of the presiding officer.”

Dagdag si Rodriguez, walang batas na nagsasabi na ilegal ang sesyon kung walang mace. “The mace is merely a symbol of authority.”

Sa pamamagitan ng viva voce inaprobahan din ng mga miyembro na gawing official mace ang naka-display sa kanilang sesyon sa Celebrity Sports Plaza bilang symbol of authority ng Kamara.

Sa kanyang speech matapos manumpa, sinabi ni Velasco, tutuparin ng Kamara ang pangako na susuportahan ang legislative agenda ng pangulo.

“We commit to pass laws that are responsive to the needs of our fellow Filipinos here and abroad, laws focused on jobs, the economy, healthcare, food on the table, peace and order, and clean and sustainable energy.  And most of all, today’s events would ensure that the president’s call for a timely, legal and constitutional approval of the 2021 budget will be complied with,” ani Velasco.

Aniya, ang tunay na karakter ng isang lider ay lumalabas sa panahon ng kagipitan kagaya ng pandemyang CoVid-19 na nagwasak sa gobyerno at buhay ng mga tao.

“The true measure of leadership comes not when things are easy, but especially when things are most difficult. Whether famine or feast, poverty or plenty, a leader will always rise to the challenge and respond to the call of service,” ani Velasco sa kanyang speech.

“It has been a difficult journey to get to where we are, one fraught with many frustrations and complications, but then we are all here, and this is a testament to our indomitable spirit and our collective commitment to honoring our word. For what are we, who are we, if we cannot live up to our word? This is not the triumph of one, this is the triumph of everyone who believes that “a promise is a promise!”

Sa press conference, inalok ni Velasco si Cayetano sa posisyon bilang deputy speaker.

PAGLUKLOK
KAY VELASCO
MAY BASBAS
NG PALASYO

 IBA ang sinasabi sa ginagawa.

Taliwas sa pahayag ng Palasyo na walang kinakampihan sa girian nina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco bilang Speaker ng House of Representatives, nagsagawa ng live coverage ang Radio Television Malacañang (RTVM) sa pagboto ng 186 kongresista ng kanilang bagong Speaker ng Kamara kahapon ng umaga.

Maraming nagulat nang matunghayan kahapon ng umaga sa Facebook page ng RTVM ang pagtitipon ng mga kaalyado ni Velasco na nagluklok sa kanya bilang Speaker kapalit ni Cayetano sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.

Batay sa pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Asst. Secretary Kris Ablan, nag-request si Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy ng live coverage sa RTVM sa Celebrity Sports Plaza.

“Following the request of the House of Representatives (HOR) in August for the live coverage of the budget deliberations for the 2021 General Appropriations Act, the RTVM had a team at Batasan today to prepare for the resumption of session. The assigned crew was informed to transfer to the Celebrity Sports Plaza instead and upon getting to the venue, RTVM covered the activity,” sabi ni Ablan.

“The RTVM coverage posted this morning on our social media accounts does not reflect the PCOO’s position on the present political situation in the HOR or any partisanship on the matter. The PCOO and RTVM simply complied to the request for the coverage, with the promotion of factual information and transparency, especially on tax expenditures that concern all the Filipino taxpayers, in mind,” dagdag niya.

Nakasaad sa mandato ng RTVM alinsunod sa Executive Order No. 297 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 27 Hulyo 1987, “EO 297 designates PBS-RTVM as the entity with the sole responsibility and exclusive prerogative to decide on policy/operational matters concerning the television medium as it is utilized for the official documentation of all the President’s activities for news dissemination purposes and for video archiving.”

Habang si PCOO Undersecretary Raquel Ignacio ay nagpadala ng media advisory kahapon para sa programang Laging Handa sa PTV-4 ngayong umaga na tinukoy bilang isa sa mga panauhin si “Speaker Lord Allan Velasco.”

Iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na ayaw nang makialam sa politika sa Kamara ni Pangulong Duterte at ang nais lamang niya ay maipasa ang panukalang P4.5 trilyong budget para sa 2021.

“In principle, the President does not want to be involved in politics – “Natagam na ako.” ‘Natagam’ is the Visayan word for “Nadala na ako.” Iyan po ang verbatim na sinabi ng Presidente noong siya ay nanawagan sa mga kongresista natin na isantabi po ang politika.

“Ayaw kong makialam sa politika sa Kamara. Natagam na ako. Ang importante ay maipasa ang proposed 2021 budget,” ayon kay Roque sa virtual Palace press briefing. (ROSE NOVENARIO)

 

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *