IBINAHAGI ni Glaiza de Castro ang mga natutuhan niya nang manirahan sa Baler simula Marso.
Kahit pa malayo sa kanyang nakasanayang city life, super enjoy at maraming realizations si Glaiza sa kanyang buhay-probinsiya kasama ang pamilya.
Isa sa bagong hobby ng aktres ang surfing na malaki ang naitutulong hindi lang sa kanyang pag-eehersisyo pati na rin sa kanyang mental health. “Hindi lang kami nakakapag-ehersisyo kundi nababawasan din kahit paano ang anxiety at depresyon dulot ng pandemya.”
Nagpapasalamat din si Glaiza sa mga nakasasabay niyang locals na nagturo sa kanya ng surfing tips at kahalagahan ng pagrespeto sa karagatan.
Aniya, “Pero una ko talagang natutuhan dito ay ang respeto. Respeto sa dagat at sa mga nasa dagat. Kaya sa lahat po ng mga nakakasabay ko na locals, salamat sa tips niyo,’ di ko man alam mga pangalan ng iba sa inyo; at siyempre sa mga naging regular ko nang kasama, salamat sa inspirasyon.”
COOL JOE!
ni Joe Barrameda