Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Former Miss Universe Paulina Vega, center, removes the crown from Miss Colombia Ariadna Gutierrez, left, before giving it to Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach, right, at the Miss Universe pageant on Sunday, Dec. 20, 2015, in Las Vegas. Gutierrez was incorrectly named the winner before Wurtzbach was given the Miss Universe crown. (AP Photo/John Locher)

Pia, deadma sa patutsadang ‘ghost’ ni Miss Columbia

ANG bait at ang ganda talaga ng breeding ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

 

Hindi n’ya pinatulan ang mga patutsada sa kanya ng tinalo n’yang Miss Columbia 2015 na parang multo (“ghost”) lang daw ang Bb. Pilipinas Universe noong panahon ng pageant sa Las Vegas, USA.

 

Ganoon ang paglalarawan ni Ariadna Gutierrez kay Pia sa isang interbyu sa kanya kamakailan. At kaya naman n’ya tinawag na “ghost” si Pia ay dahil dalawang beses lang n’ya ito nakita bago mag-final pageant na nagkamali ang host na si Steve Harvey na siya ang ini-announce na Miss Universe winner pero si Pia talaga ang nagwagi.

 

Pagkatapos lang ng ilang minuto, kahit na nakoronahan si Ariadna, kumambyo si Harvey at umaming nagkamali siya ng nabasa at ang Bb. Pilipinas ang nagwagi.

 

Agad na tinanggal sa ulo ng Columbian ang korona, pati na ang kapa sa katawan n’ya. Binawi rin ang scepter, siyempre pa. At inilipat lahat ‘yon kay Pia.

 

Sa recent interview kay Ariadna, parang nagmamalaki pa rin siya sa pagsasabing ni hindi n’ya itinuturing na “close competitor” dahil nga “ghost” lang naman si Pia.

 

Sa halip na ipagtanggol ni Pia ang sarili, ilang kasabayan n’ya sa Miss Universe 2015 ang sumagot sa mga may kabastusang pahayag ni Ariadna. Nanguna ang Miss Bulgaria 2015 sa pagtatanggol kay Pia.

 

Marami ring netizens ang nagtanggol kay Pia. Tinarayan naman nila si Ariadna na masama ang ugali at ‘yon daw siguro ang dahilan kaya parang walang malaking accomplishments si Ariadna na pwede n’yang ilagay sa Instagram n’ya. Halos ang physical fitness activities lang  nito sa Columbia ang laman ng Instagram ni Ariadna.

 

Sa halip na patulan ang mga pahayag ni Ariadna, ang pinaglaanan ng panahon kamakailan ni Pia ay ang pagtatapat sa isang interbyu na hanggang ngayon ay nagpupursige pa rin siyang patunayan na marami pang ibang katangian ang mga beauty queen bukod sa pagiging maganda.

 

Nasa mabuting breeding n’ya na ni ayaw n’yang banggitin na kaakibat ng ganda ng mga beauty queen na sila ay maalindog at seksi. Baka naaalibadbaran, kundi man tahasang nalalaswaan sa salitang “sexy.”

 

Aminado si Miss Universe 2015 na nananatiling hamon sa kagaya niyang titleholder na patunayang she is more than just a beauty queen.

 

Sinagot ni Pia ang tanong kung ano ang hamon ng pagiging beauty queen titleholder sa online pageant talk show na Queentuhan noong  October 6.

 

Pambungad na sagot n’ya: “Let’s all be honest, not all people think beauty queens, ‘ah, ano yan, beauty and brains, celebrated.’

 

“Siyempre, there are still people out there who think beauty queens [are just] pretty girls, who are onstage, and who really don’t have much going on or much to say.”

 

Binigyang-diin n’ya hindi sa lahat ng oras ay advantage ang pagkakaroon ng title. Aniya, “Unfortunately, there are still people who believe that…

 

“But then when you introduce yourself to an audience or crowd or people na hindi naman pageant fans, minsan hindi naman advantage ‘yung beauty queen card, eh.

 

“’Yung ibang bansa rin, hindi rin parang, ‘Ah, I was a Miss Universe from 2015.’ Honestly, they’re not gonna get it.”

 

At hanggang ngayon nga ay: “I have to prove that I’m actually am also a lot of things… Proving na you are more. You are more than a beauty queen.”

 

Pag-amin ni Pia, “That’s a challenge to me. Hanggang ngayon, ah.”

 

Sabi pa niya, sigurado siyang maraming kagaya niyang beauty queens ang makare-relate sa sinasabi niya. “Lalo na kapag bumalik sila sa professional or corporate world,” dagdag pa n’ya

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …