Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine at Gabby, nanibago sa new normal taping

TULAD ng marami, wish nina Sunshine Dizon at Gabby Eigenmann ngayong darating na Kapaskuhan ang matapos na ang Covid-19 pandemic. Ang dalawang Kapuso actors ang bibida sa upcoming fresh episode ng Wish Ko Lang sa Sabado (October 10).

 

“Sana matapos na ang pandemic at bumalik na sa normal lahat,” share ni Sunshine nang matanong kung ano ang natatangi niyang wish this Christmas.

 

Say naman ni Gabby, “Dalawa lang wish ko: ang matapos na pandemya at maging normal na ang buhay; at higit sa lahat makasama ang mga mahal mo sa buhay ng masaya.”

 

Parehong nanibago sina Sunshine at Gabby sa taping para sa new episode ng Wish Ko Lang.

 

Para kay Sunshine, unforgettable sa kanya ang buong  experience of dealing with the new normal. “Una sa lahat ang makabalik sa trabaho, medyo kailangan masanay sa bagong normal.”

 

Sabi naman ni Gabby, “Unforgettable ‘yung naka-mask ka habang nagba-blocking. Sa mga eksena naman ay ‘yung natabunan kami ng lupa.”

 

Pinamagatang Nilamon ng Lupa ang naturang episode na makakasama rin nila sina Klea Pineda at Kelvin Miranda. Kuwento ito ng pamilyang naging biktima ng isang sinkhole at mapapanood sa Sabado (Oct. 10), 4:00 p.m. sa GMA Network.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …