Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serye nina Alden at Jasmine, trending; kinakiligan ng fans

INABANGAN at tinutukan ng netizens at Kapuso viewers ang premiere ng I Can See You: Love on the Balcony noong Lunes, September 28.

Bumuhos ang tweets na pinupuri ang chemistry nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith bilang sina Iñigo at Lea. Kaya naman hindi kataka-taka na nag-top trending ang pilot episode nationwide.

Sey ng netizens, nakakikilig ang mga eksena at nakaka-good vibes ang rom-com na kuwento. Excited na rin sila para sa mga susunod pang episode kaya marami agad ang nag-aabang.

Samantala hindi nahirapan si Alden na makapalagayang loob si Jasmine  sa I Can See You: Love On The Balcony. Malaking tulong na nakatrabaho na niya before ang aktres.

Dagdag ni Alden, kahit maraming health protocols na kailangang sundin sa set, naging magaan ang taping nila para sa serye dahil sa magandang samahan nila ng kanyang co-stars.

Bumuhos naman ang positive feedback mula sa viewers ng bagong drama anthology, ”That was a great first episode. Light lang pero established na yung character traits ni Lea and Iñigo.”

Napapanood ang I Can See You: Love On The Balcony, 9:15 p.m., pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …