Thursday , May 8 2025

Direk Erik Matti, na-trauma sa paggawa ng pelikula sa Negros Occidental

DAHIL napaka-outspoken niya, haharapin kahit sino man at parang walang uurungan, at dahil na rin sa napakama-action at astig ang mga pelikula n’ya, maiisip nating ‘di pwedeng dumanas ng trauma ang batikang direktor na si Erik Matti. 

 

Pero kamakailan ay ipinagtapat n’ya sa media na nagkaroon siya ng posttraumatic stress disorder (PTSD) noong nagsiyuting siya ng dokumentaryong Island of Dreams para sa HBO Asia noong nakaraang taon.

 

Ang nasabing pelikula ay ang nagpanalo sa kanya ng Best Director for a Scripted TV Program sa 2019 kauna-unahang ContentAsia awards.

 

Ginunita ni Direk Erik kamakailan kay Marinel Cruz ng Philippine Daily Inquirer ang karanasang nagdulot ng trauma sa kanya.

 

“We got stuck on an island in Sipalay (in Negros Occidental). Nabalahaw kami because of the low tide. Because of this, our big ship, which was supposed to take us to the main island, had to go back to the deep end of the water, while we all had to be ferried on two small boats that could only carry five to 10 people at most. We had so much equipment, too.”

 

Patuloy n’ya: “I asked to be the last to go because, as the director, I’m supposed to be the captain of the ship. I kept waiting for my turn to leave until it was already dark out on the sea and the waves had already gotten bigger. 

 

“Finally, since it was already late, we agreed to board the banca, which was only good for five but had carried nine people.

 

“We couldn’t get close to the big ship enough to board it, so the boatman had suggested to just continue riding the small boat until we reach the main island. I agreed, but I kept thinking about what would happen to us if our boat capsized because of the huge waves. Eventually, the Coast Guard spotted us and helped us with the transfer.”

 

Pagkatapos ng karanasang ‘yon ay maraming gabi na ‘di siya makatulog nang maayos. Lagi n’yang tinatanong ang sarili kung bakit siya nagkaroon ng ganoong klaseng karanasan na inisip n’yang pwedeng nauwi sa kamalayan ng ganoon lang.

 

Nang naramdaman n’yang halos hindi na siya nakakatulog, nagdesisyon siya na magpa-doktor na niresetahan siya ng mga gamot na

Anti-depressant at anti-anxiety.

 

Lahad naman n’ya tungkol sa pagpapagamot n’ya: “I started medicating in July 2019, and was out of it around March this year. It was a good thing that I’ve gotten over my depression before the lockdown (in March). Imagine what the effect of cabin fever would be on me. I would have gone crazy!”

 

Nakapagtrabaho naman siyang muli sa gitna ng lockdown.

 

Nakapagsyuting siya ng sequel ng action-drama-suspense film na On the Job. Nadagdag sina John Arcilla at Dennis Trillo sa mga pangunahing bituin ng pelikula na ipino-post production pa n’ya hanggang ngayon.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon ipinagtanggol si Kiko — Maayos siyang tao at may hanapbuhay bago kami ikinasal

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGPATULOY ng  mag-inang Roselle at  Atty. Keith Monteverde ang pagtulong sa tumatakbong kandidato na sinimulan …

Blind Item, man woman silhouette

Aktres sa gabi lang pwede ikampanya si dyowang tumatakbo 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi lang pala kung tumulong ang isang female sa asawa niyang kumakampanya rin …

Bibeth Orteza Ricky Davao Coney Reyes

Bibeth, Coney inalala pagbibigay ng rose ni Ricky na inutang pa sa tindero

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST sa Facebook account ang aktres at direktor na si Bibeth Orteza ng black …

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *