Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carmi sa two week quarantine– Spending time with God will always be the best

LUMUTANG bigla sa social media si Carmi Martin para ipagsigawan na Covid-19 free na siya! Siya ang latest celeb na tinamaan pero naging tahimik lang siya sa nangyari.

Walang nakaaaalam na sumailalim sa swab test si Carmi last September 13 sa Philippine National Red Cross at positive ang resulta nang makuha kinabukasan.

Ayon sa post ng aktres, wala siyang symptoms. Eh dahil positibo, nag-self isolation siya na tinawag niyang, “honeymoon with God.”

Nagdasal para sa sarili at para sa iba, kumanta para kay Lord at nakinig sa mga preaching araw-araw, nag-exercise, kumain ng healthy, at naging positibo ang attitude.

Sa huling bahagi ng post ni Carmi, “My two-week quarantine was so precious because spending time with God will always be the best.

“Praise God for I am no COVID-19 free!” deklara ni Carmi.

Nagpaabot naman ng panalangin at pasasalamat ang ilan niyang kaibigan na sina Zsa Zsa Padilla, Arlene Muhlach, at Boobay.

Ilan pa sa local celebs na nakaligtas sa Covid ay sina Michael V, Enzo Pineda, Christopher de Leon, at ang broadcaster na si Howie Severino.

–30–

Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …