Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aicelle at Maricris, kakabit ang music sa kanilang pregnancy journey

IBINAHAGI nina expectant Kapuso moms Aicelle Santos at Maricris Garcia ang ilan sa kanilang mga naging karanasan sa pagbubuntis.

 

Ayon kay Maricris, naging maselan ang kanyang pagbubuntis. Nakaranas naman ng pamamanas si Aicelle kaya iniwasan niyang kumain ng mga maaalat na pagkain.

 

Sa panayam ng 24 Oras, ikuwento ng Kapuso singers na mayroon silang group chat kasama ang dalawa pang expectant moms na sina Sheena Halili at Chariz Solomon.

 

“Actually, kaming dalawa, plus si Chariz Solomon and Sheena Halili, mayroon kaming group. Doon kami nagpapalitan ng experiences, ‘yung mga symptom ng pregnancy. Bilang si Chariz, eh, experienced mother na, siya ‘yung aming mentor,” sabi ni Aicelle.

Samantala, bilang Kapuso Divas, hindi mawawala sa kanilang pregnancy journey ang music. Ngayon pa lang, madalas na nilang kinakantahan ang kanilang babies.

“Ako, ‘pag naliligo, madalas doon kami kumakanta. And for some reason, gustong-gusto ko ‘yung Spice Girls. So, laging Spice Girls ‘yung kinakanta ko,” kuwento ng Centerstage judge na si Aicelle.

Nahihilig naman ngayon sa mga lumang awitin si Maricris. “Ako, ang tanda niyong songs ko. Natalie Cole, Patti Austin. ‘Yan ‘yung mga lagi kong pinakikinggan. Tapos kapag nakikinig ako ng music, tahimik siya. Napapansin ko sa kanya na kapag may ginagawa akong gusto niya, tahimik siya.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …