Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim

MADALING natapos ang shooting ng BL series na Ben x Jim ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez .

Ani Teejay, “Bale five days kami naka-lock in, as in dire-diretso ‘yung shooting naming.

“Masaya ‘yung shooting kasi bukod sa mahusay na actor si Jerome, magaling din ‘yung mga co-actor namin, isama na natin ‘yung magaling naming director at ‘yung staff and crew.

“Isa pa, kaya mabilis na natapos ‘yung shooting namin dahil wala kaming arte-arte rito kung ano ‘yung ipinagagawa sa amin ni Direk ginagawa namin ng maayos para take-one lang.”

Ibinahagi din ni Teejay kung kailan ipalalabas ang Ben x Jim.

“Bale kung hindi end of September baka first week ng October siya ipalabas. Basta abangan na lang nila, dahil tiyak na kikiligin sila sa amin dito ni Jerome ha ha ha, at ‘yung iba pa ha ha ha.

“And marami rin silang kapupulutang aral bukod sa maganda ang pagkakagawa ni Direk sa BL series naming.”

Bukod kina Teejay at Jerome makakasama rin nila sina Kat Galang, Ron Angeles, Johannes Rissler, Sarah Edwarsa, at Cristina Samson. Mula sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …