Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LDR nina Lovi at Montgomery, sinaluduhan ng netizens

TILA match made in heaven talaga ang Kapuso actress na si Lovi Poe at boyfriend niyang si Montgomery Blencowe.

 

Ibinahagi ng I Can See You actress sa kanyang Instagram ang sweet na sweet na picture nila ng British movie producer na kuha mula sa kanilang first date.

 

Naging usap-usapan ang relasyon ng dalawa nang lumabas ang kanilang larawan mula sa isang horse racing event na Royal Ascot sa United Kingdom taong 2019. September ng parehas na taon nang kinompirma ni Lovi ang relasyon niya kay Montgomery.

 

Sa kasalukuyan ay long distance relationship muna ang dalawa. Hanga naman ang netizens sa katatagan ng kanilang relasyon, “Salute to this relationship kahit LDR. LDR isn’t that easy.”

 

Bago ang kanilang much-awaited reunion, bibida muna si Lovi sa pinakabagong drama anthology ng GMA-7 na I Can See You: High Rise Lovers. Makakasama ni Lovi rito sina Tom Rodriguez at Winwyn Marquez.

 

Kuwento ito ng married couple (Lovi at Tom) na may magkaibang pangarap sa buhay. Mas masusukat ang relasyon ng mag-asawa sa pagdating ng misteryosong babae na gagampanan ni Winwyn.

 

Mapapanood na ang I Can See You: High Rise Lovers’ simula October 5 sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …