Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1,500 gadgets, ipamamahagi ni Sen. Bong

ANG saya ng tsikahan namin with Senator Bong Revilla kasama ang ilan sa kasamahan sa panulat after so long na inabot na nga tayo ng pandemic.

 

Alam naman ng lahat na isa si Senator Bong na naging biktima ng Covid- 19 at hindi siya nawalan ng pag-asa at nilabanan niya ito ng bonggang-bongga. Naranasan ni Sen Bong ang Covid at kaya may karapatan siyang mangaral tungkol sa pag-iwas dito ng mga tao. Kaya ingat na ingat pa rin siya na hindi mahawa muli base sa pinagdaanan niya.

 

Sa nalalapit niyang birthday ay wala siyang malaking selebrasyon gaya ng nakaugalian at magdiriwang lang siya kasama ang pamilya sa puntod ng kanyang mga magulang. Bilang kapalit ng kanyang pagdiriwang ay mamamahagi siya ng mga gadget para makatulong sa mga kabataang nangangailangan ng gadgets para sa kanilang pag-aaral.

 

Umaabot sa 1,500 gadgets ang nakahandang ipamahagi at puwede pang  madagdagan sa rami ng sumusuporta sa kanyang magandang kalooban.

 

More than a year pa lang siya nakakaupo bilang senador at nakagawa na siya ng 323 bills na lahat ay ongoing sa Senado at iba ay naging batas na. Hindi naman ito kataka-taka at ganito rin naman ang nagawa niya during his previous stint as a Senator. Kaya tuloy ang pagsisilbi ni Sen. Bong kahit may mga basher siya na nagkakalat pa noon na patay na siya sa panahong nagka-Covid 19 siya.

 

Tuloy din ang programa niya sa GMA na ayon sa mga GMA executive ay naghahanda na sila to resume ang taping.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …