Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom, nanibago sa muling pag-arte 

TILA bagong pasok ulit sa eskuwelahan ang muling pag-arte at pagbabalik-taping ni Tom Rodriguez para sa upcoming Kapuso show na I Can See You: High Rise Lovers.

 

Sa kanyang Instagram video, ibinahagi ni Tom na masaya siyang magbalik-trabaho kahit pa nanibagong mag-taping sa ilalim ng new normal.

Aniya, “Lunch break namin ngayon dito sa set ng ‘I Can See You: High Rise Lovers.’ Grabe sobrang enjoy. It feels great to be working. Kasama ko ‘yung cast ng crew. Iba pa rin talaga ‘yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom ‘yung trabaho.”

Idinetalye rin ni Tom na maingat nilang sinusunod ang mga bagong patakaran sa pagte-taping. “Siyempre maraming bago. Kaunti lang ‘yung tao. Kailangan social distancing pa rin and siyempre ‘yung ibang mga eksena na usually magagawa mo na may physical touching, medyo rito iniiwasan na talaga.”

 

Inamin din ng aktor na nag-a-adjust pa siya sa muling pag-arte matapos mapahinga ng ilang buwan simula quarantine. “Siyempre, 12 hours lang ‘yung limit namin sa isang araw. So kailangan na magawa ‘yung bawat eksena. Medyo kanina naninibago lang. Parang bagong pasok ulit sa eskuwelahan, may kaba. But I’m happy to be back.”

Makakasama ni Tom sina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa High Rise Lovers na isa sa apat na series ng drama anthology na I Can See You na mapapanood na simula September 28 sa GMA Telebabad block.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …