PATULOY ang pagrami ng kaso ng CoVid-19 sa Kamara na ang pinakabagong biktima ay si Rep. Arlene Brosas ng Gabriela party-list.
Pang-10 kongresista si Brosas na nagka-CoVid sa Kamara, 75 ang naitalang biktima ng malalang sakit.
Hinihinalang nakuha ni Brosas ang sakit sa Kamara.
Ani Brosas, dumalo sa pagdinig ng budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkoles, malamang sa Kamara niya nakuha ang sakit dahil doon lamang siya nagpunta.
“I tested positive for CoVid-19 and probably contracted the virus from exposure at the House of Representatives last September 2 because that’s the only place where I’ve been to with known active cases,” ani Brosas.
Dinirinig ng Kamara ngayon ang mga budget ng bawat ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng teleconferencing kasabay ng regular kung saan iilan ang dumadalo.
“We are sorry to inform you that Rep. Arlene Brosas (Gabriela party-list) has tested positive for CoVid-19… Let’s pray for their speedy and complete recovery,” ayon kay Secretary General Jose Montales.
“She’s the 10th member to have tested positive. Grand total is 75. But only 15 are active cases,” ani Montales. (GERRY BALDO)