Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Warden bulag ba sa talamak na droga sa Pasay City Jail?

BULAG ba itong si Pasay City Jail Warden J/Supt. Manuel O. Chan o sadyang nagbubulag-bulagan? O posibleng itinatago ng kanyang mga tauhang jail guards ang mga katarantaduhan sa loob ng City Jail, dahil bago lang sa kanyang posisyon itong si Warden Chan?

For your information Warden Chan, tuloy-tuloy pa rin ang kontrabando ng droga sa 3rd floor ng gusali ng jail. Sa grupo ng Sputnik nagmumula ang mga ilegal na droga kasabwat ang ilang ungas na jail guard diyan sa Pasay City Jail.

‘Di mo alam Warden? Ngayong alam mo na, kailangan umaksiyon ka na bago masira ang pangalan mo ‘di ba?

Hindi lang ilegal na droga noon pa ang ipinagbabawal, ang sigarilyo sa loob ng kulungan ay bawal din. Pero paano nagkakaroon ng sigarilyo ang mga preso sa loob ng selda? Mga empleyado ng jail ang nagbebenta! And take note ha… ang mahal ng presyo! Hanep din sa raket ang mga jail guard mo Warden…

Ginawa kang tanga! Ngayon mo patunayan warden na hindi ka bobo at tanga!

Bakit ko alam ang katiwaliang ito sa Pasay City Jail? Dahil ang aking source ay matindi, galing din sa loob ng kulungan ang aking impor­masyon! Hindi droga ang kaso ng aking source, hindi nila masikmura ang mga kati­walian ng mga ungas na jail guard!

Meron pang report ang isang kapatid sa media industry na kanyang nakitang isang motorsiklo na sakay ang isang tauhan ng jail na sinipsip ang gasolina ng motorsiklo na ang ginamit na gas slip ay mula sa BJMP, pero ibinebenta ang gasolina…

Lookout warden Chan! Masahol pa sa mga preso ang maling gawain ng mga tauhan mo! Huwag ka mapikon sa expose ko warden… walang personalan, trabaho lang! Dahil ang trabaho namin ay makialam sa mga tunay na nangyayari, kami ay nagbibigay lamang ng impormasyon. Sana gamitin mo ang bagsik mo bilang Jail Warden ng Pasay City Jail.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …