Tuesday , November 19 2024

PCC kinastigo ni Villar

PINAMUNUAN ni Senador Cynthia Villar ang pagdinig sa Senado hinggil sa estado ng dairy industry sa bansa at ang hindi pagpapatupad ng P450 milyong dairy project para mapaigting ang dairy production at mabigyan ng kabuhayan ang dairy farmers sa bansa.

 

Inihain ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food, ang Senate Resolution No. 504 na magsisiyasat sa kalagayan ng dairy industry na pinangangasiwaan ng National Dairy Authority (NDA) at Philippine Carabao Center (PCC) sa ilalim ng Department of Agriculture.

 

“The NDA and the PCC have been in existence for 25 years and 28 years, respectively, and we continue to import more than 99 percent of our demand for dairy. This means we have been missing the opportunity to make our kababayan, especially the farmers, benefit from the dairy industry as a source of additional income and for our children to have access to affordable milk,” ayon kay Villar.

 

Kinuwestiyon ni Villar si PCC Executive Arnel del Barrio tungkol sa hindi naipatupad na P450-milyong  halaga ng proyekto para sa pagpapatayo ng  dairy processing centers sa 28 lokasyon na magbibigay din ng intercropping opportunities sa coconut farmers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

Naglaan din ang senador ng P10 milyon sa bawat 28 lokasyon o kabuuang P280 milyon para sa proyekto bukod pa sa PCC budget.

 

Inatasan ng senadora ang Philippine Coconut Authority na maglaan ng P170 milyon sa 17 coconut producing provinces para magkaroon ng kabuuhang P450 milyon.

 

Ayon kay Villar, 23,690,000 litro ang total milk production noong 2018 samantala ang demand ay 2.345 bilyong litro. Ipinakikita rito na 0.6966% ang local production na mababa sa 1% sa kabuuhang demand sa gatas ng mga Filipino.

 

Binanggit din ng senadora ang Commission on Audit (COA) Report noong Enero 2020 na nagsabing P2.85-billion dairy program na dapat ipatupad ay may “minimal improvement” lamang sa pagpapataas ng bilang ng dairy animals sa Filipinas.

 

Tumakbo sa anim na taon simula 2012 hanggang 2018 ang Herd Build-Up Program. Nagsimula ito na mayroong 39,069 dairy animals ngunit nagwakas sa 47,600 hayop noong 2018 kasama ang mga baka at kalabaw.

 

Layunin ng programa ang mapataas ng 10 percent ang local supply contribution mula sa isang porsiyento ng local supply figure noong 2012.

 

Sinabing kakulangan sa koordinasyon sa pangunahing ahensiya, ang kawalan ng well-defined roles at responsibilidad sa dairy industry’s stakeholders, operational issues, at mahalagang cattle at buffalo mortality rates ang mga dahilan sa kabiguan ng Dairy Road Map targets.

 

“We are holding this inquiry in order to find out why the dairy industry has not been contributing as expected in increasing the milk production and the increase in the number of dairy animals. This is despite having two government agencies assisting farmers. More than 23 years have passed for the country’s dairy program to fly but it has remained on the ground,” ayon kay Villar.

 

“The objective is to improve dairy production to ultimately make an impact on reducing poverty and improving child nutrition in many rural households,” dagdag niya.

 

Sa pagdinig, kabilang sa mga isyung tinalakay ang non-delivery o incomplete delivery ng dairy animals sa ilang mga lugar, gayondin ang kawalan ng processing centers at training program sa forage production.

 

Simula noong nakaraang taon, ginagawa na umano ni Villar ang Carabao-Based Enterprise Development Centers sa buong kapuluan matapos ang malaman ang karanasan ng isang maybahay sa Ubay, Bohol na nag-alaga ng isang inahing kalabaw at ipinagbibili ang gatas sa dairy processing center.

 

Ang modelong ito ang nagbigay ng pagkakataon sa maybahay na kumita ng P300 kada araw o P 9,000 sa isang buwan.

 

Nais din ni Villar na magbigay ng ganitong pagkakataon sa iba pa. Tinukoy niya ang 28 lugar kung saan puwedeng gayahin ang modelo.

 

Kabilang dito ang Abra, La Union, Pangasinan, Ilocos Sur, Nueva Vizacaya, Bataan, Bulacan, Laguna, Tarlac, Palawan, Albay, Masbate, Negros Oriental, Iloilo, Cebu, Siquijor, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao Oriental, Davao del Sur, Compostela Valley, North Cotabato, at South Cotabato.

 

Pinaamiyendahan din ni Villar ang Republic Act 11037 o ang Masustansiyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act na naglalayong kunin sa local dairy farmers at cooperatives ang fresh milk and fresh milk-based products.

 

“With this provision, the law institutionalizing a national feeding program will not only address undernourishment among children, but will also create a market for local dairy which, if sustained, will eventually develop our local dairy industry,” ani Villar.  (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *