Friday , December 27 2024

Power firm ‘iniligwak’ ng sariling abogado sa isyu ng BMW

IMBES patahanin ay lalo pang nagbukas ng mas maraming tanong ang tangkang pagdepensa ng Panay Electric Company (PECO) sa kinukuwestiyong pagbili ng kompanya ng luxury car na BMW mula sa kanilang Capital Expenditure (CAPEX) na kalaunan ay ibinenta sa kanilang Pangulo nang mawalan na ng prankisa.

Una nang lumabas sa mga pahayagan ang nadiskubreng pagbili ng PECO ng BMW 520d sedan noong 2015 mula sa Asian Carmaker Corporation na nagkakahalaga ng P5 milyon, ang nasabing sasakyan ay binili gamit ang pera na inaprobahan ng ERC para sa pagbili ng transportation equipment sa ilalim ng CAPEX ng PECO para sa taong 2011 hanggang 2015 kaya nangangahulugan na mula ito sa consumers’ money.

Hindi itinanggi ng PECO ang pagbili ng BMW ngunit inilinaw ng abogado ng PECO na sina Atty. Nilo Divina at Atty. Estrella Elamparo mula sa Divina Law Firm na hindi consumers’ money ang ipinambili ng sasakyan kundi binili ito sa ilalim ng administrative expenses ng kompanya.

“The records will clearly show that said purchase was an administrative expense that was charged to PECO’s own account. Contrary to the false claims being peddled to media outlets, the said expense never became part of any of the amounts billed to consumers, as is PECO’s practice with its administrative expenditures. Therefore, it is an utter and malicious lie that the consumers were made to pay even a single centavo,” ayon sa paliwanag ng Divina Law Firm.

Pero kinontra ito ng mismong grupong nagsiwalat ng anomalya sa pagbili ng luxury car, sinabi ni Halley Alcarde, general manager ng Western Visayas Transport Cooperative, isang accountant, ang lahat ng administrative expense ay sinisingil din sa consumers, ang alibi umano ng PECO ay mali dahil ang pagbili ng luxury car ay hindi maaaring ipasok bilang administrative expense.

Kung ipipilit umano ng kampo ng PECO na administrative expenses ang ipinambili ng luxury car, ang external auditor ng kompanya ang mabubuweltahan ng kaso at maaaring mabawian ng lisensiya kung pinayagang ipasok bilang administrative expenses ang pagbili ng luxury car.

Kung hindi tayo nagkakamali ang WVTC at ang Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA) ang unang nagsiwalat na sa kanilang beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO) ay lumilitaw na ang kinukuwestiyong BMW ay naibenta noong May 22, 2019 kay PECO President Luis Miguel Cacho.

Ang ginawa umano ng PECO ay malaking paglulustay ng salapi ng consumers.

Nabatid na para sa taong 2011 ay P2,133,851 ang alokasyon para sa transportation equipment ng PECO; noong 2012 ay P2,231,446; noong 2013 ay nasa P2,337,988; 2014 ay P2,447,289; at noong 2015 ay nasa P2,560,476.

Layon ng inaprobahang pondo na bumili ng utility vehicles na magagamit sa operasyon nito ngunit lumitaw, imbes mga sasakyan na magagamit sa official function ng kompanya, kalahati ng pondo ay ipinambili ng luxuy car.

Ang Capital Expenditure ng mga power firms ay isinusumite at pinaaaprobahan sa ERC.

Layon ng nasabing hakbang na matiyak ang mga economically efficient capital expenditure lamang ang mapopondohan para masigurong mapoprotektahan ang public interest.

Tinuran ng WVTC na malinaw na ang pagbili ng BMW ng PECO, lalo sa personal na gamit, ay hindi maikokonsidera bilang economically efficient bagkus ay maituturing na pag-abauso sa consumers’ money.

Tsk tsk tsk.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *