Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Sharon Cuneta

Sharon Cuneta full blast na sa kanyang YouTube Network at walang atraso sa TV 5 (Mala-Kris Aquino ang peg)

BALIK mainstream television na nga si Kris Aquino, para sa kanyang weekend show na “Love Life” sa TV5 na eere ngayong 15 Agosto, Sabado 5:00 pm.

Kasabay ng show niyang ito ay magiging active na uli si Kris sa kanyang Facebook at YouTube Network na Kris Aquino na may 699K subscribers (and still counting) at may million followers sa FB at Instagram.

Kung magiging aktibo si Kris both in TV and social media, si Sharon Cuneta naman ay full blast na rin sa kanyang YouTube Network na Sharon Cuneta na one million mahigit ang subscribers.

Kumuha na ng staff si Shawie na bubuo ng kanyang team para sa naturang show sa YouTube at narito ang maikling caption ni mega sa kanyang FB page na @Sharon Cuneta official, “start of something all-new!!! Coming your way very, very soon… #YouTube #TheSharonCunetaNetwork!!!

By the way, iniintriga si Sharon na banned na raw sa TV 5 dahil may unresolved issue raw siya sa kilalang owner ng network na si Mr. Manny Pangilinan. Sa aming pagkakaalam nagpaalam nang maayos noon ang megastar sa bigwigs ng TV5 para sa pagbalik niya sa ABS-CBN, partikular sa presidente na si Mr. Ray Espinosa.

Ibinalik ng singer-actress ang kalahating bilyong piso o P500 million dahil hindi nga niya natapos ang limang taong kontrata na kanyang pinirmahan. Halos tatlong taon ang inilagi ni mega sa TV 5 na tatlong regular shows ang kanyang ginawa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …