More than 2 decades na namin kakilala ang CEO at Presidente ng Pervil Cosmetics na si Madam Tess Villanueva at husband na si Sir. Naging malapit si Madam Tess sa entertainment media at dalawa kami ng Bff kong si Pete Ampoloquio, Jr., ang hanggang ngayo’y malapit sa kanya.
Kaya naman nasubaybayan namin ang lahat ng struggles nito at tagumpay sa kanyang negosyo na may kinalaman sa pagpapaganda. Marami ang gumaya sa kanyang kilalang produkto na Pervil Magic Whitening Cream, na inendoso noon ng Eat Bulag host na si Pia Guanio.
Siniraan pa si Madam Tess ng isang kompanyang malaki ang inggit sa kanya at kinasuhan niya ito at nanalo siya dahil napatunayan na siya ang original na maker ng produkto na isa sa naging top seller sa Mercury Drug Store at Watson. Proven naman kasi lahat ng Pervil cosmetics products ng kaibigan naming businesswoman kabilang na ang pervil magic lotion and soap na tunay na nagpapaganda, puti, kinis, at flawless ng katawan. Very affordable ang presyo ng lahat ng produkto ni Madam Tess.
Mas sumikat ang pangalan ni Tess Villanueva nang ma-feature siya ni Karen Davila sa programa ng sikat na TV personality na “My Puhunan.”
Dito ay ikinuwento ni Madam Tess, kung paano niya na-discover ang paggawa ng magic whitening cream na kanyang ipinagamit sa among prinsesa sa Saudi Arabia and the rest is history. Bisitahin ang Pervil Cosmetic PH sa Facebook at paki like ito at share.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma