Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Patio Victoria bankrupt na nga ba?

NAAPEKTOHAN ba ng lockdown ang Patio Victoria sa Intramuros, Maynila?!

Naitatanong natin ito dahil parang hirap na hirap silang i-refund ang P30,000 na initial deposit ng isang nagpa-event na hindi nga natuloy dahil sa pandemyang COVID-19.

Ipina-reserved ang nasabing event noong February 2020.

Pero dahil nag-lockdown noong Marso kanselado ang lahat ng event.

Nang tumawag ang nagpa-reserved ng event, aba hindi na raw maibabalik ang idineposito. Kailangan pa raw itong dumaan sa legal office nila?!

Wattafak!

O kaya naman daw huhulugan na lang.

Ano raw?!

Hindi natin akalain na ganito makipag-business ang Patio Victoria.

Masyadong cheap!

Sa mga kababayan natin na gustong magpa-event sa Patio Victoria, ingat-ingat kayo, baka sumakit ang ulo ninyo. 

 

REST IN PEACE,
KA ZENY

NALUNGKOT tayo sa balita kaninang umaga na pumanaw na si Ka Zeny Maranan.

Si Ka Zeny, 75 anyos, ang lider ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Ayon sa mga taong malalapit sa kanya, matagal nang may sakit sa puso si Maranan at pinayohan ng mga kaanak na magpahinga dahil sa kanyang kondisyon.

Pero nanindigan umano ang transport leader na aasikasohin ang kapakanan ng mga driver.

Naaawa raw si Maranan sa mga tsuper na hindi makapagtrabaho at wala nang makain dahil sa tigil-pasada na ipinatupad bunsod ng pandemya.

“Siguro po, dinidibdib din niya dahil sa kanya ang bato ng problema,” ayon kay Bobot Zapanta.

“Talagang kapakanan pa rin ng mga driver ang sinasabi niya e. Naawa siya, nakikita niya ’yung mga drivers niya na gano’n. Talagang iniisip niya pa rin ’yun.”

Magugunitang kasama ang mga jeep sa mga uri ng pampublikong transportasyon na tumigil ang pasada noong Marso matapos i-lockdown ang ilang bahagi ng bansa dahil sa pagkalat ng COVID-19.

At kahit nagluwag na ang mga quarantine measure, marami pa rin ang mga tsuper na hindi pa rin nakapagpapasada.

LTFRB chair, Atty. Martin Delgra III, makikipaglamay ka kaya sa burol ni Ka Zeny?!

Tsk tsk tsk…  sa sobrang sama ng loob ni Ka Zeny, hindi na nakayanan ng kanyang puso.

Halos 90 porsiyento ng mga miyembro ng FEJODAP ay apektado ang pamumuhay dahil sa kawalan ng kita sa loob ng halos tatlong buwan

Pero mukhang hindi ito binigyan ng konsiderasyon ng LTFRB, ‘di ba Atty. Delgra?

Buy the way, negatibo sa COVID-19 si Ka Zeny, pero isinailalim sa cremation ang kaniyang labi kahapon ng madaling araw dahil posible umanong na-expose siya sa virus habang nasa ospital.

Ngayong araw Lunes hanggang Martes, magtitipon ang mga miyembro sa Haven of Angels Memorial Chapel sa Antipolo, bago ang pribadong pagluluksa ng kaniyang pamilya. 

Naiwan ni Maranan ang isang anak na nasa Amerika ngayon. 

Sa mga naulila ni Ka Zeny, ang aming lubos na pakikiramay.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *