SA unang pagkakataon ay pumayag ng maging TV host si Angel Locsin na sa pagkakatanda namin noon ay ayaw niya dahil mas forte niya ang umarte.
Oo naman, magaling na artista talaga ang aktres, katunayan, ilang Best Actress trophies na ang natanggap n’ya mula sa iba’t ibang award giving bodies kasama na sa labas ng bansa.
Si Angel ang host ng programa niyang Iba ‘Yan na mapapanood na sa Hunyo 14, Linggo sa Kapamilya Channel na ang direktor ay ang fiancé na si Neil Arce.
Tatalakayin sa Iba ‘Yan ang lahat ng ginawang pagtulong ni Angel na dokumentado lahat.
Ayon sa post ng aktres sa kanyang IG account, “Angel Locsin po. Bida sa pelikula, bida sa teleserye.
“Pero rito, hindi po ako ang bida. Samahan n’yo po kaming ibida ang mga nakamamanghang kuwento ng mga Filipino.
“Pero hindi lamang po tayo magtatapos sa kuwentuhan lang. Kuwento ng Pinoy, iBaYan! Malapit na po sa Kapamilya Channel #iBaYan #KapamilyaChannel #abscbn @ibayanph PS. Directed by @neil_arce.
Hmm, hindi kaya binili ng ABS-CBN ang documented stories na ito ni Angel?
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan