UMAKYAT sa 224 ang tinamaan ng coronavirus disease (COVOD-19) sa lungsod ng Marikina batay sa huling tala ng local health department.
Ayon sa datos na inilabas ng Marikina Public Information Office dakong 3:00 pm noong Biyernes, 5 Hunyo, pumalo sa 224 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 ngunit nanatili sa 25 ang mga binawian ng buhay.
Ikinatuwa ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na nasa 118 ang naitalang gumaling mula sa nakamamatay na sakit habang apat ang ang nasa probable cases, at lima ang suspected.
(EDWIN MORENO)