Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Marikina… 6,000 trike driver isinalang sa mass testing bago mamasada

KAILANGANG sumailalim sa mandatory mass testing ang 6,000 driver ng tricycle bago payagang pumasada sa lungsod ng Marikina.

 

Ito ang tiniyak ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na kalangan dumaan sa mandatory COVID-19 test ang 6,000 tricycle drivers ng lungsod na balik-kalsada dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

 

AnIya, isinasailalim nila sa rapid test ang naturang mga driver bilang precautionary measure laban sa pandemya.

 

Base sa huling datos ng Marikina LGU, may tatlong driver mula sa 1,000 sinuri nitong Lunes, 18 Mayo ang nagpositibo sa rapid test.

 

Pinag-quarantine umano sila at inihahanda para sa confirmatory testing gamit ang RT-PCR kits na “gold standard” ng World Health Organization.

 

Tatagal hanggang Biyernes, 22 Mayo, ang testing ng lungsod sa mga tricycle driver, pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Marikina ang treatment sa mga magpo-positibo at contact tracing.

 

Ayon kay Teodoro, isasailalim din sa test ang mga nagtatrabaho sa palengke at groceries, maging ang mga empleyado sa shoe industry ng lungsod.

 

Sa datos ng lungsod, 149 ang confirmed cases ng Marikina hanggang noong Lunes, May 18.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …