IPINAG-UTOS ni Northern Samar Gov. Edwin Ongchuan ang sapilitang paglilikas ng hindi bababa sa 70,000 pamilya o 350,000 katao sa gitna ng banta ng tropical storm Ambo sa rehiyon.
Ayon kay Rei Josiah Echano, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), suspendido na ang mga trabaho sa mga coastal town ng Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, at Lapinig dahil sa pagtaas ng Signal No. 3 sa buong lalawigan kahapon, 14 Mayo.
“The governor has realigned our resources for preparedness measures,” ani Echano.
Inihanda ng pamahalaang panlalawigan ang nga pagkain at iba pang pangangailangan.
Kabilang sa suspensiyon ang mga trabaho sa gobyerno at mga pribadong establisimiyento.
Samantala, hindi kabilang sa suspensiyon ang mga empleyado ng PDRRMO, Provincial Office of Social Welfare, Provincial Health Office, provincial hospital, at national government agencies gaya ng National Food Authority.