Saturday , November 16 2024

Pulis-Crame positibo sa COVID-19 uuriratin (Pumasok ng Baguio kahit lockdown)

SUMASAILALIM sa imbestigasyon ang isang pulis na ginagamot bilang coronavirus (COVID-19) patient sa lungsod ng Baguio nang mapag-alamang tumuloy siya sa pagpasok sa siyudad sa kabila ng mga restriksiyong ipinaiiral ng Philippine National Police.

 

Naitala si P/Maj. Rafael Roxas, deputy chief PNP Crime Laboratory’s Fingerprint Division, bilang ika-31 kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos ang ‘zero-transmission’ simula noong 27 Abril.

 

Lumabas ang resultang positibo siya sa virus noong Lunes, 11 Mayo, at sumailalim sa isolasyon noong isang linggo pagkarating sa lungsod upang bumisita umano sa isang kamag-anak.

 

Ayon kay P/Col. Allen Rae Co, Baguio police director, noong Miyerkoles, 13 Mayo, pumayag si Roxas na ilabas ang kaniyang pagkakakilanlan upang makatulong sa pagpapabilis ng proseso ng contact tracing, ngunit sumasailalim ngayon sa pre-charge investigation ang kaniyang biyahe mula Maynila hanggang Baguio at papatawan ng kaukulang disciplinary action kung mapapatunayang may nilabag siya sa protocol.

 

“The PNP does not tolerate any disregard for rules and procedures from its personnel. He will face the consequences of his actions, but the focus right now is on his healing and bringing him back to good health,” ani Co.

 

Dagdag niya, hindi maaaring umalis ang mga pulis na nakadestino sa mga lugar sa Metro Manila na mataas ang kontaminasyon ng COVID-19.

 

Naunang ipinaalam ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kondisyon ni Roxas noong 12 Mayo sa kanilang management committee meeting.

 

Agad inilagay sa strict quarantine ng alkalde ang barangay kung saan nanatili si Roxas upang matukoy ng epidemiology team ng lungsod kung may nahawa dito.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *