Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagmurang kabarangay kay Angelika, iaabogado

KAHIT abala sa pamamahagi ng food pack si Kapitana Angelika dela Cruz ng Barangay Longos, Malabon City ay binigyan naman niya ng oras ang sarili nitong Linggo para ipagdiwang ang Mother’s Day dahil ipinagluto siya ng asawa niyang si Oreon Casareo at binigyan naman siya ng bulaklak ng dalawa niyang anak na lalaki.

At siyempre binati rin ng aktres ang inang si Angelika Egger ng Happy Mothers’s Day.

Samantala, inamin sa amin ng Kapitana ng Barangay Longos na kumausap siya ng abogado kung ano ang dapat gawin sa ilang netizens na minura siya dahil hindi nagustuhan ang ibinigay niyang food pack.

Aniya, “idadaan ko ito sa legal lahat. Kumausap na ako ng abogado.”

Masama ang loob ng aktres cum politiko dahil buong pamilya na silang nagtutulong-tulong para maihatid ang pangangailangan ng mga nasasakupan nila sa Bgy. Longos simula palang ng Enhance Community Quarantine.

Kasama ni Angelika ang kapatid na kagawad ding si Erik gayundin sina Mika at daddy Ernie sa pamimigay ng food pack para sa 6th wave.

Kinuwestiyon kasi ng dalawang netizen na kaunti ang natanggap nila at magkakaiba pa ang laman kaya minura nila sa FB post ang kanilang Kapitana.

Katwiran sa amin ni Kapitana Angelika, “Saken walang masamang magreklamo normal ‘yun at sumasagot ako hindi lang sa nagpupunta sa barangay pati sa FB. Kasama sa duties and responsibilities ko ang magpaliwanag at magasagawa ng information dissemination sa mga constituents ko para makampante sila lalo ngayon nagpa-panic ang tao dahil sa situation ng lahat pero grabe naman ‘yung ganoon (minura siya) ‘di ba?”

Dagdag pa, “grabe nga sabi ng Daddy ang dami raw naming itinulong sa family nila sa iba’t ibang okasyon hayz.”

Samantala, deactivated na ang Facebook account ng dalawang netizen na nag-mura kay Angelika, “galit sika kasi ka-apelyido ko pa raw sila, wala raw silang kamag-anak na tulad ko.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …