TIYAK na matutuwa ang mga taga-showbiz industry dahil kasama na sila sa binanggit na puwedeng back to work ni Secretary Harry Roque kahapon.
Ang mga back to work na ay ang publishing at audio visuals basta’t 50% lang ng workforce na papasok, bukod sa essentials.
Hindi pa rin pinapayagang magbukas ang entertainment tulad ng videoke, cinemas, playhouses, massage/spa parlor na maraming tao ang kailangan.
Sa madaling salita, puwede na uling mag-shoot at mag-taping kaya ‘yung mga taga-production ay naghahanda na para sa kanilang back to work pagkalipas ng dalawang buwan.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan