Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Empoy, nakorner; Kaye at Erich, matagal nang type

NAGULAT kami sa revelation ni Empoy dahil sa ilang beses na naming nakatsikahan ang komedyante ay ni minsan ay walang inamin kung sino ang gusto niyang babae, pero pagdating kay Kris, hindi siya nakatangging hindi sabihin.

Ang tanong sa binata ay sino ang gusto niyang makasama ngayong ECQ o kahit hindi niya girlfriend, makasama o makakuwentuhan lang. Noong una ay marami pang pasakalye si Empoy, kesyo lola niya dahil name-miss na niya.

Pero makulit si Kris at hindi niya talaga tinigilan si Empoy, “ano po kasi, may asawa na, hindi na puwede.  Si Kaye Abad po.”

Hayun, type pala ni Empoy si Kaye Abad, ha, ha, ha. In fairness naman kung kailan nag-asawa ang dating aktres ay at saka lalong gumanda.

Pero siyempre ayaw ni Kris ng isa lang dahil nga may sabit na si Kaye, “pumili ka ng iba, ‘yung wala namang asawa na.”

Nag-isip ang binata ang nangingiti, “si ano po, Erich.”

“Si Erich Gonzales, bakit?” balik-tanong ni Kris.

“Kasi po kamukha niya ‘yung crush ko noong high school,” sagot naman ni Empoy.

Kaso may boyfriend na ang aktres kaya hindi na naman puwede, pero sabi nga nila, hangga’t hindi pa asawa ay may pag-asa pa. Malay mo Empoy, napanood ito ni Erich, lalo’t magaling mag-matchmaker si Kris.

Mga tungkol naman sa girl stuff ang pinag-usapan nina Kris, Jaya, at K. As usual, may green joke ang huli pero hindi na-gets ni Tetay.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Chanty Marian Rivera

Chanty kumasa kay Marian, nagpagiling-giling at ‘di nagpahuli sa pagkembot 

I-FLEXni Jun Nardo KUMASA ang baguhang si Chanty kay Marian Rivera para sayawin ang Marimar dance icon na nagpasikat sa GMA …

Joseph Bitangcol Sandara Park Park Bom

Joseph ipinagtanggol si Sandara: 100% na hindi niya gagawin ‘yon

MA at PAni Rommel Placente Walang pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ni Joseph Bitangcol ang ex- girlfriend na si Sandara …

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …