Saturday , November 16 2024

Dennis Uy-owned Phoenix P30-B utang sa 11 banko (Dapat bayaran sa loob ng 6 na buwan)

MAHIGIT sa P30 bilyon ang utang ng Phoenix Petroleum na pag-aari ni businessman Dennis Uy sa 11 banko na dapat niyang bayaran sa loob ng unang anim na buwan ng 2020.

Ayon sa local website na bilyonaryo.com.ph, ang P30.167 bilyong utang ng Phoenix ay mas mataas ng 40 percent sa P21.479 bilyong short-term loans ng kompanya noong 2019.

Bago matapos ang taon, ang Phoenix ay may P20 bilyon pang utang na dapat bayaran.

Dahil dito, umaabot sa P50 bilyon sa P64 bilyon na utang ng Phoenix ang dapat bayaran ngayong taon.

“A third of Phoenix’s short-term loans are accounted for by Multinational Investment Bancorporation, the country’s oldest investment house, with P11.47 billion, or nearly triple its level of P4.304 billion in 2019. MIB’s loans have an interest of 4.25 percent to 6.75 percent,” ayon sa bilyonaryo.com.ph.

Dalawang government banks, ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines, ang may tig-P2 bilyong shortter loans sa Phoenix.

Napag-alaman na ang LandBank, na may P5.8 bilyong pautang sa Phoenix, ay nagpapataw ng hanggang 6.5 percent para sa short-term loan, habang ang DBP ay may 5.3 percent.

Ang walong iba pang short-term lenders ng Phoenix ay ang BDO Unibank – P2 bilyon (total P9.488 bilyon); Maybank Philippines – P1.2 bilyon; Asia United Bank – P1 bilyon; Rizal Commercial Banking Corp. – P1 bilyon; Union Bank of the Philippines – P1 bilyon; Robinsons Bank Corp. – P1 bilyon; United Coconut Planters Bank – P712 milyon; at CTBC Bank – P443 milyon.

Ang Phoenix, may mahigit sa 700 retail stations sa bansa, ay nagtala ng P1.49 bilyong pagkalugi noong 2019, malaking reversal ng P2.77 bilyong tubo ng kompanya noong 2018.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *