Saturday , November 16 2024

CPD Act ipinababasura ni Pulong

ISUSULONG ni Deputy Speaker Rep. Paolo “Pulong” Z. Duterte ng Unang Distrito ng Davao ang pagpapawalang-bisa ng Republic Act 10912 o ang “Continuing Professional Development Act of 2016.”

Ani Duterte, dagdag pabigat ang naturang batas sa trabaho ng mga propesyonal.

“While we support the lifelong learning among our professionals to further their craft, the requirements set by the CPD law just adds to the burden they have to deal with. After a long day of work, they are forced to spend a bulk of their salary, take absences from work, and go through unreasonable hardships just so they can renew their licenses and continue the practice of their professions,” ayon sa anak ng Pangulong Duterte.

“This CPD law is uncalled for. To address this, we will file a bill repealing this anti-professional measure introduced by Trillanes. We can actually help our professionals meet global standards through other means, without passing the burden to them,” paliwanag ni Duterte.

Ani Duterte, gagawin niya ito bilang pagkilala sa serbisyo ng mga propesyonal lalo ng frontliners.

“Our proposed measure is also to serve as gratitude to our professional frontliners who continuously render their service to our nation, especially in this time of crisis. We have witnessed the selfless acts of our professional frontliners. They do not deserve the CPD law,” aniya.

Matagal na umanong dapat ipinawalang bisa ang batas at hihingiin niya ang suporta ng mga kapwa niyang mambabatas para suportahan ang pagbubuwag nito.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *