Friday , December 27 2024

WFC sa BPI: kontribusyon sa SDG, palakasin

HINIKAYAT ng grupong Withdraw from Coal (WFC) ang pamunuan ng Bank of the Philippine Island (BPI) na palakasin ang kanilang kontribusyon sa Sustainable Development Goals (SDG), at tugunan ang ‘climate emergency’ sa paggawa ng mga polisiya.

Ang panghihikayat ay kasunod ng pagtatapos sa isinagawang taunang pagpupulong ng mga stockholders nang iniulat ni  BPI president Cezar Consing ang  kanilang mga naging “achievements” sa 4 SDG, kabilang ang pagsusulong ng clean energy.

Ipinagmalaki ni Consing, nakapagtala sila ng highest growth, kabilang ang power generation loan portfolio na 44%, maging sa pagsusulong ng clean energy accounts sa 17% ng SDG-related loans nito sa nakalipas na pitong taon.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang advocacy  group sa ipinakitang pagsisikap na dagdagan ang pamumuhunan at serbisyong pinansiyal sa “renewable energy sector.”

“But we hope that the bank realizes that unless it also puts a stop to its contributions to the proliferation of dirty energy from coal, the suffering of both our people and our Common Home only worsens,” ayon kay Bishop Gerardo Alminaza ng Diocese ng San Carlos.

Aniya, ang BPI ay nananatiling isa sa mga  biggest local financiers ng coal, na nagpapautang ng  24.9%  mula 2017 hanggang 2019 sa “coal developers” sa bansa.

Bago isinagawa ang taunang stakeholders meeting, maraming stakeholder ng banko kabilang ang Simbahan, mga CSO depositor at BPI union workers ang umapela sa BPI na tuparin ang kanilang “green commitments” at pangunahan ang financial sector sa transisyon tungo sa low-carbon energy at sustainable practices.

“Continued coal funding means disaster for our people and the planet; BPI must realize this and withdraw from coal now,” dagdag ng Obispo.

 

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *