Mandaluyong City. Sa kabila ng bantang panganib ng COVID-19, ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay patuloy na nakapaghatid ng ₱38,855,070 halaga ng tulong medikal sa 4,468 Pilipino sa buong bansa sa loob ng isang lingo. Ito ay sa pamamagitan ng MEDICAL ACCESS PROGRAM (MAP) ng ahensya.
Simula Abril 20-24, 2020, ₱4,400,600 ang naibigay na tulong ng National Capital Region (NCR) sa 340 na pasyente, ₱9,072,617.77 naman sa Southern Tagalog and Bicol Region (STBR) na may 1,101 na natulungan pasyente, ₱12,144,575.00 sa Northern and Central Luzon (NCL) na may 1,432 na natulungang indibidwal, ₱8,141,439.89 naman sa Visayas Region na mayroong 858 na nangangailangang Pilipino at ₱5,095838 naman sa Mindanao Region na 737 cases ang natulungan. Sa pangkalahatan, umabot sa 4,468 cases nationwide ang bilang ng pasyenteng natulungan ng PCSO.
Nakapaloob sa nasabing programa ay ang pagbibigay ng ayuda sa mga kwalipikadong Pilipino na nangangailangan ng tulong medika para sa hospital confinement, dialysis, chemotherapy, at post-transplant medicines.
“Magpapatuloy ang PCSO sa paghahatid ng tulong medikaL, upang maibsan ang epekto ng COVID-19 sa Pilipino at upang makapagbigay ayuda sa ating gobyerno sa pagsugpo sa nasabing virus sa sa pamamagitan ng pagpaptupad ng aming mandato na magbigay ng tulong medical at kawanggawa,” ayon kay GM Royina M. Garma