Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yantok, electric gun gagamitin ng pulis sa Sampaloc ‘hard lockdown’  

WALANG baril, kundi ‘electric gun’ at yantok ang gagamitin ng Manila Police District (MPD) bilang panlaban sa masasamang elemento na lalaban sa mga pulis sa panahon ng 48-oras hard lockdown na  ipinatupad 8:00 pm sa Sampaloc District sa Maynila.

 

Ito ang inihayag ni MPD Director P/BGen. Rolando Miranda, na tatlong electric gun ang ipinagamit sa ilang kasamahang opisyal na maaari nilang magamit sa kagipitan kung kinakailangan.

 

Ayon kay Miranda, nakahanda ang puwersa ng MPD para sa hard lockdown.

 

Ang mga kasama nilang magbabantay ay mga sundalo na ilalagay sa perimeter, pulis, barangay chairman, barangay Ex-O, secretary at treasurer.

 

Hindi umano sila gagamit ng mga barangay tanod at volunteers sa pagbabantay.

 

Dalawang araw mananatili sa loob ng kanilang bahay ang mga residente .

 

Nabatid, 5:00 pm sisimulan ng MPD ang pagpapakalat ng mga tauhan sa Sampaloc District. (VV)

Sa Sampaloc hard lockdown

PASAWAY MAY

PAGLALAGYAN

NAKAHANDA na ang apat na covered court na pagdadalhan ng mga pasaway na residente ng Sampaloc na lalabag sa ipinatutupad na hard lockdown ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

 

Sinimulan ang 48-oras na hard lockdown kahapon 8:00 pm hanggang 8:00 pm sa araw ng Sabado.

Tinukoy ang mga pagdadalhang covered court sa mga barangay 468, 424, 581, at 420.

 

Bukod sa mga tauhan ng Manila Police District, magbabantay at mag-iikot din ang 150 sundalo para masigurong hindi lalabas ang mga residente lalo na’t malawak ang distrito ng Sampaloc.

 

Kasama rin ng MPD sa pagbabantay ang tauhan ng ilang mga barangay sa mga palengke partikular sa Trabajo Market na inaasahang daragsain ng mga residente para bumili ng kanilang mga pangangailangan lalo na’t dalawang araw silang hindi maaaring lumabas.

 

Sa panahon ng lockdown, kanselado ang mga quarantine pass at tanging mga pulis, militar, barangay opisyal at tanod, health care workers at accredited media ang papayagang lumabas.

 

Kasama rin dito ang service workers mula sa pharmacies, drug stores at punerarya habang magsasagawa ng disease surveillance, rapid risk assessment at testing operations kontra COVID-19 sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan ng hard lockdown, naniniwala ang lokal na pamahalaan na bababa ang positibong kaso ng COVID-19 sa Sampaloc district na kasalukuyang nasa 108 ang bilang habang 127 ang probable cases. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …