INANYAYAHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lahat ng residente sa Maynila na lumahok sa isinasagawang digital health survey na inilunsad para malaman ang overall health situation ng populasyon.
“Maaring pakisagutan lamang ang nasabing digital health survey (www.facebook.com/iskomorenodomagoso) para matugunan ng mga kawani natin sa Manila emergency operation center (MEOC) ang inyong kalusugan,” ayon kay Moreno.
Inilunsad ang survey ni Moreno noong Marso bilang bahagi ng kanyang CODE (contain and delay coronavirus disease) COVID program.
“Huwag mag-alala dahil confidential ito at gagamitin lamang para magkaroon kami ng virtual picture or macrovisual of our health situation in the entire city of Manila. Para kami maging efficient, sagutin lamang nang tumpak at matapat ang mga tanong. Para matulungan din kami na mabilis kayong matugunan at maabot, sakaling kailangan ninyo ng atensyong medikal,” pakiusap ni Mayor Isko.
Kabilang sa mga tanong sa survey ang “May lagnat ka ba? Namamagang lalamunan? Ubo? Sipon? Nahihirapan ka bang huminga? Masakit ba ang iyong tiyan? Nahihilo o nasusuka? Umalis ka ba ng bansa sa nakaraang mga araw? Did you have exposure to an infected? Nagtatrabaho ka ba o nakatira sa isang lugar na mayroong nabalitang COVID 19?
“If yes, hinihikayat kang makipag-ugnayan sa 8527-5174 at 09610627013. Puwede rin tawagan ang 8962385/6 o ang DOH COVID Hotline 865-17800 loc. 1149 at 1150,” dagdag ng alkalde.
Tiniyak ni Isko, hindi ilalabas ng city government ng conclusive findings base sa ibinigay na data dahil tanging ang mga kalpikadong health experts ang maaaring gumawa. (VV)